Noon ay ganito, ano naman ngayon?

Nababatid mo rin ba ang ang malaking pagbabago pagdating sa kultura ? Sa pagkain , pag-uugali at lalaong -lalo na sa kasuutan at paraan natin ng pananamit? Ibang -iba na hindi ba? Sa paglipas ng panahon unti-unting nababago ang kaantasan nating mga pilipino pagdating sa mga kasuotan. Ano nga ba noon at ano naman ang sa kasalukuyan? Noon: Mahihinuha mo na sila ay mahihinhin . Ang kanilang pananamit ay balot na balot. Sila ay nagsusuot ng filipiniana kung tawagin. Mga pormal at kagalang -galang kung ating pagmamasdan. Na sa panahon ngayon ay masasabi natin na ito ay kasaysayan na lamang . Wala pang social media na kung saan ay maaring pagbatayan o tignan kung ano ang mga napapanahong kasuotan . Ngayon kapag ikaw ay nakasuot ng ganitong uri ng damit ay iisipin nila na may pormal na pagtitipon kang dadaluhan. Nagagamit na lamang natin ito kapag buwan ng wika na kung saan a...