Noon ay ganito, ano naman ngayon?
Noon:

Ngayon:



May mga awra ang muka , kakaiba at ibang-iba ang dating
ng kanilang kasuotan. Sa pag-usbong ng tinatawag na social media
nagdulot ito ng malaking pagbabago pagdating sa pananamit. Ang mga kabataan ang pangunahin na naiimpluwensyahan
nito dahil sila ang mas madalas gumamit at marami ang
kaalaman pagdating sa social media. Kung ano ang uso iyon ang kanilang sinusunod.Makikita mo na hindi sila balot na balot kumpara sa dating pananamit . May pag ka maiksi at medyo hapit ang uri ng pananamit ngayon . Lubhang mapanuri sila at magaling pagdating sa fashion. Ibang -iba na talaga hindi ba?
Nang dahil dito nauso na rin ang tinatawag na OOTD o Outfit of the day. Gaya nalang nito:



Dito naipapakita ng ibang kabataan ang kanilang ginagamit na kasuotan sa isang partikular na okasyon o ang kanilang istilo o paraan kung paano sila manamit.
Bunsod ng malaking pagbabago pagdating sa kasuotan maraming kababayan natin ang nakilala pagdating sa pagdedesenyo at angking galing pagdating sa fashion tulad na lamang nila.
Jose “Pitoy” Moreno

Kilala sa paggawa ng mga sopistikadong mga baro't saya na kasuotan ng mga kababaihan.
Michael Cinco

Kilala sa mga magaganda at kahanga-hangang mga gowns.
Rajo laurel
Kilala sa pagiging magaling na embroiderer at beadwork artist .
Ilan lamang sila sa mga kilalang personalidad na namamayagpag pagdating sa pagdedesenyo ng mga kasuotan . Hindi pa rin naman nawawala ang pambansa nating kasutotan . Nabibigyan lamang ito ng panibagong muka at mas nagiging moderno .
Tayo bilang bagong henerasyon ay may napakalaking impluwensya pagdating sa social media na kung saan ay malaki ang naiaambag sa mga pagbabago nagaganap mula mismo sa ating mga sarili. Hindi masama ang makiuso sa kung ano ang napapanahong kasuotan siguraduhin lamang natin na wala itong masamang maidudulot sa atin at magiging kagalang -galang at karesperespeto parin tayo sa kung ano man ang ating susuotin. Siguraduhin din natin na akma ang ating kasuotan sa ating paggagamitan o sa okasyon man na ating dadaluhan .
Comments
Post a Comment